Biyernes, Disyembre 12, 2014

"Ang kwento ng isang batang lansangan"









Dear readers,

Hi, ako nga po pala si Dan Pascual kapangalan ko lang po ang kwento ng buhay ni Dandan. May exam po kami na dapat maka interview kami ng isang ulila o isang batang langsangan kaya po humanap kami na pwedeng interviewing at yun nga po ay nakita ko si Dandan nakita ko po siya kasama ng kanyang mga kaibigan sa isang transit ng bus na "Baliwag transit" at yun nga po linapitan ko siya at tinanong kung pwede siyang interviewing tungkol sa buhay niya at yun nga po pinalad ako at pumayag, tinatanong ko siya kung bakit siya namamalimos kung asaan ang kanyang mga magulang….at yun nga kinewento niya yun buhay niya at kung bakit siya naglilimos ngayon…………..



Si Dandan ay isang batang lansangan mula sa Baliuag, Bulacan. Di siya nakapagtapos ng elementary at grade 3 lang ang natapos niya dahil ang magulang niya ay naghiwalay at ang tatay niya ay nag asawa na ng iba at ang nanay niya naman ay di niya na alam. Kawawa naman siya diba kasi dahil sa paghiwalay ng magulang niya ay nadamay pa siya bakit ganon diba? Bakit kailangan pang madamay ang isang inosenteng bata na wala naman ginagawa. 12 na taong gulang na siya, naglilimos siya at tuwing naglilimos siya ay sinusungitan siya dahil nga diba wala ng pakealam ng mga tao ngayong sa mga batang naglilimos alam lang ng mga tao ngayon na lahat ng mga bata na nasa lansangan ay masama diba, di naman lahat syempre meron lang talagang wala ng magulang at nagsisikap lang siya para lang may makain siya diba. Tayo nga minsan apat na beses pa tayo kumakain sa isang araw pero siya di pa siya makakain sa isang araw, eh wala nga siyang masuot na damit dahil wala na nga siyang magulang tandahan po natin mahirap mawalang ng magulang. Si Dandan ay may pangarap at iyong ay maging pulis, kasi gusto niyang magtanggol ng naaapi katulad niya, tinanong ko kung magkano lahat ang nalilimos niya sa isang araw 100 ang pinakamataas diba isiipin natin ang isang 100 ay kulang pa sa atin diba, minsan rin daw ay wala siyang nalilimos kasi nga sinusungitin siya, pati nga birthday niya di niya alam kasi di na siya nag bebirthday sa isang taong diba tayo nga dipa tayo Masaya sa birthday natin kasi feeling niyo may kulang pa. Sila ay Masaya na sa isang juice at isang tinapay tayo ba Masaya na dun diba hindi. nakakawa po talaga na makausap at maikwento ng Isiipin natin na napaka suwerte natin kasi nabuhay tayong maganda ang buhay dahil sa mga magulang natin kaya sa atin lahat sana mag aral tayo at makapagtapos para sa ating kinabukasan at para narin sa ating magiging anak ay di magaya sa kanila. Yun lang po at maraming salamat readers.



   Dandedios a. pascual jr